Father and Sons - Sigaw Ng Puso


Una kong narinig itong song na ito sa isa sa mga love song stations sa Pinas.
I immediately knew that it was from Father and Sons dahil sa boses.
Father and Sons din ang kumanta ng "Miss na Miss Kita"...

Chorus:
O giliw ko, miss na miss kita
Sana'y lagi kitang kasama
O giliw ko, miss na miss kita
Gusto ko sana mayakap ka

Ok. I (and you) have to admit that "Miss na Miss Kita" is medyo jolog, medyo corny. Masyadong mababaw ang lyrics at ang melody eh walang ka-kwenta-kwenta. Very catchy ang melody. Pero itong kantang "Sigaw ng Puso" is iba. Iba ang tama. Yung beat pa lang ng drum ng kanta, napapa air-drum nako (humahataw ng drums na wala namang drums). Ang galing ng drum beat. Actually, tingin ko, yung drum beat ang nagdala ng impact ng message ng kanta. Tapos yung boses ng vocalist is very simple, ang sarap makikanta sa kanya. Specially dun sa last part ng kanta (time-04:11) where the climax of the song is already at it's highest level to the max. Grabe! Ang ganda ng kantang ito. Klassik!

The message of the song really fits for a wedding song.

Do I need to say more about the lyrics?!
Nagsimula ang 1st stanza sa pagbibigay ng assurance na siya ay naniniwala sa kanyang minamahal. Naniniwala siya na tunay ang pagibig sa kanya ng kanyang minamahal. Sa 2nd stanza naman and the rest of the song, siya naman ang nagbigay ng pangako sa kanyang minamahal na to the point na handa niyang kalimutan ang anumang nakaraan ng minamahal niya, handa niyang ipaglaban ang pagmamahalan nila at handa niyang hindi pakinggan ang sinomang tao na hahadlang sa kanilang pagmamahalan. Well, wala ka na talagang magagawa kapag sumisigaw na ang puso mo kundi sumunod na lang.
Pakinggan ang Sigaw ng Puso ko!!!



Sigaw Ng Puso
Father & Sons

I
Mahal tandaan mo, lahat ng sasabihin ko
Naniniwala ako, na tunay ang pag-ibig mo
Huwag lang pansinin, ang nasa paligid mo
Isipin mong ika'y minamahal ko

II
Pangako sa iyo, hinding-hindi magbabago
Mahal iwaksi mo, pangamba sa puso mo
Walang mahalaga, kundi ikaw lamang giliw
Tanging ikaw lamang ang buhay ko

CHORUS:
Kahit ano pa ang nakaraan mo
Walang sinuman makapagbabago
Tapat ang pagmamahal ko
Sayo giliw ko

Kahit ano pa ang sabihin nila
Hindi ito hadlang sa hangarin ko
Wagas na pag-ibig
Sigaw ng puso ko

III
Pag-ibig ko sa'yoy, ipaglalaban ko
Hindi mahalaga, magdusa man ako
Ang tanging pangarap ko
Ay ang pag-ibig mo giliw
Ikaw lagi ang sigaw ng puso ko

(repeat CHORUS)
instrumental
(repeat CHORUS)
(repeat CHORUS)

No comments:

There was an error in this gadget
Disclaimer: All blogposts made available in this website and any opinions, advice, statements or other information contained in any messages posted or transmitted by any third party are the responsibility of the author and not by any organization affiliated with the author. We encourage visitors of this website to report any objectionable message to josepherdon@yahoo.com. This website is not monitored 24/7

FREE Downloads


the Blog magazine- by Bro Eli Soriano

esoriano.wordpress.com

esoriano.wordpress.com

Congratulations to Ang Dating Daan Websites
for winning 2009 Philippine Web Awards

www.angdatingdaan.org

UNTV libreng sakay


FREE Bus ride + FREE Bible + FREE magazine +
FREE Breakfast + FREE Medical checkup, consultation +
FREE Legal advice + FREE Transient House + FREE MRT tickets for senior citizens