Andres Bonifacio

Hindi ako nahilig dati sa history class (Sibika at Kultura) noong ako'y elementary at high-school. Mas preferred ko Filipino at English subjects na may mga literature topics. Gusto ko din ng Science, at kagaya ng karamihang bata sa eskwela, ayoko ko din mathematics. Ako ay kumuha ng kurso ng Computer sa kolehiyo.

Magdalo Soldiers @ Oakwood Mutiny

Noong lumusob sila Trillanes (Oakwood Mutiny) sa Makati noong July 27, 2003 upang patalsikin si Gloria Macapagal Arroyo sa Malacanang, at nakilala sila sa grupo na Magdalo soldiers, ang unang pumasok sa tanong ko ay, Magdalo? Hindi ba ang Magdalo at Magdiwang ay grupo nila Aguinaldo at Bonifacio? Alin nga pala sa Magdalo at Magdiwang, ang kay Aguinaldo at Bonifacio? As in, wala akong idea. Nakalimutan ko na. Ang alam ko lang eh, nag-exist ang 2 grupo, may Magdalo at Magdiwang. Yun na.

Ambeth Ocampo

Nagpasimula akong magsaliksik. Napunta ako sa mga columns ni Ambeth Ocampo ng Philippine Daily Inquirer. Marami akong natutunan sa kanya. Binuhay ni Ambeth Ocampo ang aking kamalayan sa history. Hindi boring ang mga columns ni Ambeth. Na-inlove ako sa Philippine History. (Kung siya siguro ang naging teacher ko noong elementary-high school baka hindi computer course ang kinuha ko, hahaha!) Binasa ko mga previous columns niya about different heroes. Dumating ako sa point na parang kulang. May mga pieces ng jigsaw puzzle na binigay si Ambeth Ocampo na kailangang makita sa ibang angle.

Andres Bonifacio

Na-fascinate ako sa buhay ni Bonifacio.
May tanong si Ambeth Ocampo na lumabas noong 05/16/2007

First case of ‘dagdag-bawas’?

Hindi maikakaila siguro ng mga seryoso sa Philippine History na may Aguinaldo-Bonifacio feud. Hindi naman siguro basta-basta nag-tantrum lang si Bonifacio sa Tejeros convention. Ano yun, nag-walk out si Bonifacio ng walang mabigat na dahilan? Nag-google ako sa internet, pero hindi ko makita yung liwanag sa dilim na hinahanap ko sa kasaysayan ng buhay ni Bonifacio.

Philippine National Bookstore

Nag-decide akong maghanap ng libro sa National Bookstore. Isa na yatang pinakamalaking branch ng National Bookstore ang nasa Cubao, Quezon City. At tutal doon ako dumadaan pauwi sa Montalban upang sumakay ng FX taxi. (Rodriguez na po ngayon ang dating Montalban. Pero hanggang ngayon, Montalban pa rin ang tawag KO sa lupang kinalakihan ko. At after magbasa ng Philippine History, mas lalo akong proud na taga-Montalban ako at hindi hindi ako taga-Rodriguez)

Montalban Rizal

Masuwerte kong nakita ang libro ni ADRIAN E.CRISTOBAL na may pamagat na THE TRAGEDY OF THE REVOLUTION. Ako ay natuwa sa nilalaman ng libro. Ito ang naging isa sa paborito kong libro. Nabili ko yung libro sa halagang P320 noong May 24, 2007 (Thursday). Although bumili din ako ng libro ni Ambeth Ocampo na (Rizal without the turncoat).

Andres Bonifacio

Simulan na po natin ang kwentuhan. Hindi pala tamang ipasok sa ating isipan na si Andres Bonifacio(SUPREMO) ay isang taong naka-camisa-de-chino na mukhang magsasaka, nakayapak, may dalang itak at sumisigaw ng "SUGOD MGA KAPATID" (makikita natin na naka-coat si SUPREMO sa kanyang ONLY picture na nasa studio sa taas) Si Andres Bonifacio(SUPREMO) pala ay "literate man" at sa labanan, ay may dalang baril. Ang SUPREMO ay nagtrabaho sa maituturing nating multi-national company noong panahon na iyon. Itininatag ni Andres Bonifacio(SUPREMO) ang KKK kasama si Emilio Jacinto at Dr. Pio Valenzuela. Itinatag ng SUPREMO ang KKK after na hindi na umubra ang LA LIGA FILIPINA nila Rizal. Nawalan ng saysay ang LA LIGA FILIPINA after damputin ng mga kastila si Jose Rizal. Mapapansin po ninyo ang dahilan ng SUPREMO kaya niya itinayo ang KKK. Para ipagpatuloy ang sinimulan ng LA LIGA FILIPINA. Hindi niya inagaw ang pamumuno ng LA LIGA FILIPINA. (Hindi kagaya ng pag-aagawang nangyari sa TEJEROS CONVENTION, paguusapan po natin mamaya ang TEJEROS CONVENTION)

Jose Rizal

Si Emilio Jacinto ay isang matalinong estudyante ng kolehiyo sa Letran. Maraming sulat si Andres Bonifacio(SUPREMO) kay Emilio Jacinto at sa mga sulat na yun, makikita natin ang "intimate" relationship ng dalawa. (Close ang dalawang bayani) Pati si Gregoria Bonifacio (asawa ng supremo) ay sumusulat din kay Emilio Jacinto. Close ang mag-asawang Bonifacio kay Emilio Jacinto. Ang mga sekreto ng Katipunan na sinulat ng SUPREMO kay Emilio Jacinto na kung mababasa ng mga kastila ay malamang eh patayin ang messenger ng Katipunan na may dala ng sulat. Mahalaga nating maalala na wala pa pong cell phone noon. Walang TXT, Walang Email. Walang telepono ang mga katipunero upang pag-usapan ang kanilang taktika sa giyera.

1896-1897 Spanish soldiers leading a Katipunero to execution

Ang isa sa mga messenger ng KKK ay si Genaro de los Reyes. (Naglalakad lang ang mga messenger dati paikut-ikot sa kalakhang Manila at karatig bayan, kaya delikadong tungkulin ang pagiging messenger ng Katipunan) Pati sila Andres Bonifacio(SUPREMO), Emilio Jacinto at iba pang mga bayani ay naglalakad lang.

Spanish_firing_squad_executes_2_Filipino_rebels_1896_or_1897

Noong pasimulan ni Supremo ang giyera, sinimulan nila sa puso ng mga manglulupig, sa Manila. Oo nga naman, ang karamihan ng kastila ay nakahimpil sa Manila noong mga panahong iyon. Kung sisimulan nga naman ang Filipino-Spanish war, let's say sa Bulacan, Pampanga or Cavite, bago pa man sila makarating sa Manila, eh mahaharang na sila agad ng mga kastila. August 30, 1896, inatake at nilusob nila SUPREMO ang gunpowder storehouse sa San Juan. Matagumpay nilang naisagawa ang una at impresibong atake laban sa mga kastila.

You see? Matalinong bayani si Andres Bonifacio. Hindi Siya tanga. Eh bakit daw, "maraming" natikmang talo si Andres Bonifacio sa pakikipaglaban? Hello, Central of Power kaya ang nilusob ni Andres Bonifacio, what would you expect. Kahit si Aguinaldo, nakatikim din ng MGA pagkatalo sa ibang labanan. Kung pagalingan sa pagiging General ang pag-uusapan, mas magaling at kinatatakutang general si Antonio Luna, na pinatay ng mga ka-traydoran ng mga tauhan ni Aguinaldo. THE WAR RECORDS OF ANTONIO LUNA IS WAY BETTER THAN EMILIO AGUINALDO. May mga napanalunan din naman si Andres Bonifacio pero hindi ang point is paramihan eh. Yung mga inaaping pinoy noon, naghihintay lang naman sila ng magsisimula ng pag-laban sa kastila eh. At si Andres Bonifacio ang nagbigay sa kanila ng lakas ng loob na "KAYA NATIN ito mga kapatid".

Emilio Aguinaldo? Siya ay sumali sa KKK under the leadership ni Andres Bonifacio. Si Andres Bonifacio ang nagpasimula ng giyera at hindi si Emilio Aguinaldo. Under lang ni Andres Bonifacio si Emilio Aguinaldo. May gobyerno na ang mga katipunan/katagalugan bago ang Tejeros Convention. Ang supremo ang nagbigay ng lakas ng loob sa mga pinoy na ang dala ay itak at kunting baril upang lumaban. Logic dictates, na alam din ni Emilio Agunaldo na tama ang decision ni Andres Bonifacio. Hindi minagaling ni Aguinaldo na simulan ang pag-aalsa sa Cavite. Sa Manila nga dapat simulan ang giyera.

Ang SUPREMO ANG NAGBIGAY NG PUSO SA PINOY PARA LUMABAN.
May baril ka nga, wala naman sa puso mo ang paglaban, wala din.

Everyone knows na ang paglaban ng mga pinoy sa kastila is quite premature. May mga puso na sila sa paglaban noon pero wala pa silang armas to ensure their victory. May meeting ang Katipunan dati sa Antipolo, May 3, 1896. Napag-usapan doon ang pagsimula ng giyera. During ng kanilang meeting, nag-suggest na ang SUPREMO na simulan na ang atake. The willingness to attack is already at the hearts ng mga pinoy. Marami na din ang napapatay at napaghihinalaan ng mga kastila about sa pag-alsa. Hindi sumang-ayon sila Aguinaldo (Magdalo) at Santiago V. Alvarez (Magdiwang) kay SUPREMO, magpadami pa daw muna ng armas. Ang SUPREMO ay tumitingin sa kahinugan ng puso ng mga pinoy. Pinadala nila si Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan upang kumunsulta kay Jose Rizal. As always, Jose Rizal is still convinced na hindi dahas ang sagot sa pananakop ng kastila. Jose Rizal still believes that the Spaniards can still be convinced by words. Jose Rizal was wrong. Yung mga kasama niya was playing safe. So they decided to hold off the war for the moment.

Ang nakakalungkot ay may 2 pinoy na nag-away tungkol sa pagtaas ng sweldo sa paggawaan ng diyaryo. Yung isang pinoy, "kapatid" sa KKK, yung isa hindi. Ang pag-aaway ng dalawang pinoy ang naghatid sa pagkakabunyag ng KKK. Ito ang nag-pasimula ng "premature" war ng mga Filipino against sa mga kastila.

Dumating ang August 1896 ay sumigaw ng paglaban sila Bonifacio laban sa mga kastila. Sumunod ang mga karatig lalawigan sa pag-alsa sa mga kastila. Kasunod ng pasimula ng giyera ng mga pinoy laban sa kastila, ang pag-alsa ay kumalat at nakarating sa Cavite. Sa Cavite ipinanganak ang samahang Magdalo.

Sa pangungulit ng mga Magdiwang sa Supremo na dumalaw sa Cavite upang makita ang progress ng samahan sa Cavite ay na-convince ang SUPREMO na pumunta sa Cavite. At sa nakikitang pag-kaka-hiwa-hiwalay ng Magdalo at Magdiwang sa pag-sugpo sa kaaway, pumunta na din ang SUPREMO sa Cavite upang pag-isahin ang mga pinoy. Ang masama, pagdating ng SUPREMO sa Cavite, may mga leaflets na nagkalat upang sirain ang pagkatao at credibilidad ng SUPREMO sa pagiging lider ng Rebolusyon. Nagkahugutan ng baril ang Supremo at si Daniel Tirona tungkol sa leaflets. Ito ang unang pagkakataon na binunutan ng Baril ng SUPREMO si Daniel Tirona.

Ang Magdalo at Magdiwang factions pala is actually umiikot lang mainly sa Cavite. Ang mga lider nila ay sila Baldomero Aguinaldo (Magdalo) at si Mariano Alvarez (Magdiwang). (Contrary to popular belief na ang Magdalo-Magdiwang is Aguinaldo-Bonifacio factions.) Not entirely involved ang ibang lalawigan sa Magdalo at Magdiwang Rivalry. May mga nabasa akong ang Magdalo is mababa ang tingin kay SUPREMO. The reason kung bakit sumang-ayon ang SUPREMO sa TEJEROS CONVENTION is para pagkaisahin ang grupo ng MAGDALO at MAGDIWANG. Ang malas nga lang, nung nagsisimula na ang TEJEROS CONVENTION, pinalitan ang agenda ng meeting. Palitan na daw ang KKK ng isang REVOLUTIONARY GOVERNMENT.

Pumayag ang SUPREMO sa isang halalan sa isang condition na igagalang ng nakakarami ang magiging resulta. Nanalo si Aguinaldo sa pagiging Presidente. Nagpatuloy ang halalan. NAGPAPATUNAY PO ITO NA HINDI NAG-WALK OUT SI BONIFACIO DAHIL HINDI SIYA NAGING PRESIDENTE. Pinabayaan pa ng SUPREMO ang halalan hanggang sa gumawa ng eksena si Daniel Tirona. Kinuwestion ni Daniel Tirona ang educational background ng SUPREMO sa pagiging Director Interior.

Points sa Tejeros Convention:
-hindi dapat ituring na "NATIONAL" election ang Tejeros Convention
dahil HINDI WELL-REPRESENTED ang walong lalawigan
na nagpasimula ng pag-alsa ng mga Pilipino sa Kastila
-mostly mga Caviteno ang attendees ng Tejeros Convention
-Wala ang mahahalagang personalidad sa halalan gaya mismo nila Emilio Aguinaldo, Emilio Jacinto at iba pa.
-Ang buong Katipunan o mga Pilipinong lumalaban sa Kastila ay walang kinalaman sa naganap na halalan
-Bakit hindi man lang yata naparusahan ang nagpakalat ng leaflets against sa SUPREMO bago naganap ang halalan?
-Bakit biglang nawala si Daniel Tirona sa Tejeros Convention after niyang hindi igalang ang pagka-halal ng SUPREMO?
-masasabi mo bang naging malinis ang election sa Tejeros Convention after mong mabasa ito?
(vote ballots were already filled-out before the counting)
First case of ‘dagdag-bawas’?

Nag-walk out ang SUPREMO at mga kasama sa Tejeros Convention.
Ginawa nila ang Acta De Tejeros para baliktarin ang nangyari sa Tejeros Convention.
Ngunit huli na ang lahat.
Desidido na ang Cavite Government ni Aguinaldo upang hulihin sila Bonifacio.

Nilitis ang magkapatid na Bonifacio.
Sinabing tinangka daw ng SUPREMO na patayin daw si Aguinaldo.
MALAKING KASINUNGALINGAN.
During the trial, hiniling ng SUPREMO na makita si Pedro Giron (ang accuser/witness),
sinabi ng korte na namatay na daw si Pedro Giron sa Naik.
MALAKING KASINUNGALINGAN.
Nakita pa pong buhay si Pedro Giron after mapatay ang mga Bonifacio.
Tsk, tsk, tsk.
Unfair Trial.

May mga Historian na nagsasabi na dapat lang patayin si Bonifacio kasi
magkakahati ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga kastila.
Masaya ko pong sasagutin ang mga historians na ito.
Hindi ako nagmamagaling pero baka hindi pa nakikita ng mga historians ang mga points na ito.
1. Noong pinatay ba si Bonifacio (ANG SUPREMO), lumakas ba or humina ang Rebolusyon?
- sa libro ni Adrian Cristobal, may sinabi siyang ang ibang mga katipunero ay
nagsipagbalik sa pagsasaka after ng pagkakapatay sa SUPREMO
- Nagkaisa nga ba ang mga Pinoy after nang pagkakapatay sa SUPREMO or lalong na-divide?
- Natuwa ba ang mga Katipunero sa pagkakapatay sa SUPREMO?
Ang halimbawa dito ay si Emilio Jacinto.
Hindi po sumama si Emilio Jacinto kay Aguinaldo.
Nagpatuloy po si Emilio Jacinto sa pakikipaglaban hanggang siya ay mamatay sa Laguna.
Hiwalay po ang lakad ni Emilio Jacinto kay Aguinaldo.

Emilio Jacinto died

2. Si Andres Bonifacio lang ba ang naging biktima nila Emilio Aguinaldo et al?
Nabasa na po ba ninyo ang nangyari sa buhay ni Antonio Luna?
Ang ganda po ng pagkakalahad ng wikipedia kay Antonio Luna.

Isang napakatapang na General pala ni Antonio Luna.
Ang kasamaang palad, ang Kawit Batallion ay ayaw sumunod kay Antonio Luna (sa gitna ng pakikibaka sa Amerikano).
Naganap po ito sa THE BATTLE AT CALOOCAN. Tumanggi ang mga taga-Kawit sa pagsunod kay Antonio Luna.

June 2, 1899: Nakatanggap ng telegram si Antonio Luna galing kay Aguinaldo.
Pumunta daw siya sa Aguinaldo headquarters sa Cabanatuan Nueva Ecija dahil may meeting daw.
Pagdating ni Antonio Luna meeting place, cancel daw ang meeting.
Wala si Aguinaldo doon, pero nandun ang mga tauhan ni Emilio.
Binaril at pinatay si Antonio Luna at kanyang mga kasama.
Nakapagsalita pa si Antonio Luna bago mamatay. "Cowards! Assassins!”
(may report na nakita ng nanay ni Emilio ang pagpatay kay Antonio Luna.
Nung makita ng nanay ni Emilio na nakahilata na si Antonio Luna,
sumigaw daw ang nanay ni Aguinaldo na... "Nagalaw pa ba yan?"

Gen. Antonio Luna

Gen. Antonio Luna

The demise of Luna, the most brilliant and capable of the Filipino generals, was a decisive factor in the fight against the American forces. Even the American enemy developed an astonished admiration for him. One of them, Gen. Hughes of the American Army, said, of his death, probably relishing the irony, “The Filipinos had only one general, and they have killed him.”

Sunod-sunod na po ang pagkatalo ni Aguinaldo after patayin si Antonio Luna.
Hanggang napatakbo na nga si Emilio Aguinaldo sa Isabela at doon siya nahuli.
Ito po ang nakakatawa.
After patayin si Andres Bonifacio,
pumirma si Aguinaldo ng pagsuko sa Kastila (Biak-Na-Bato Pact: December 14, 1897)
After patayin si Antonio Luna,
nag-pledge of Allegiance si Aguinaldo sa mga Amerikano. (April 1, 1901)
Nakakatawa di po ba?

Pumirma sila Aguinaldo et al sa Biak-Na-Bato Pact para may pangbili ng armas?
Nasaan ang armas na binili nila?
May mga recent found documents na nagpapakita na bago pa ang Tejeros Convention,
eh nakikipag-usap na sila Aguinaldo sa mga prayle para isuko ang laban.
Part ng kasunduan sa Biak-Na-Bato Pact na titigil na sa atake ang mga Pinoy.
After nag-puntang Hongkong ang grupo nila Aguinaldo, nagpatuloy na din ang laban ng mga Pinoy.
Ano ang ibig sabihin nito? Na hindi payag ang mga Pinoy sa Biak-na-Bato pact?
Or hindi alam ng mga Pinoy ang kasunduan sa Biak-na-Bato pact?
(Paano ba mabilis na ipaalam ni Aguinaldo ang nilalaman ng Biak-na-Bato pact
sa walong lalawigan na lumalaban eh wala naman telepono, txt, email pa noon?)

After pumirma si Aguinaldo sa Biak-Na-Bato Pact,
Kahit wala si Aguinaldo, nagpatuloy pa ding lumaban ang mga Pinoy sa mga Kastila.
Iniwan ni Aguinaldo ang labanang Pilipino at Kastila.

After nag pledge-of-allegiance si Aguinaldo sa mga Amerikano,
nagpatuloy pa ding lumaban ang mga Pinoy sa mga Amerikano.
Lumaban pa din si Miguel Malvar at Macario Sakay sa mga Amerikano.
Iniwan Ni Aguinaldo ang labanang Pilipino at Amerikano.

Iniwan ni Aguinaldo ang mga Pinoy sa gitna ng MGA labanan.
Iniwan ni Aguinaldo ang mga Pinoy sa ere.

Unlike Andres Bonifacio at Antonio Luna,
ang paglaban at pagkampi ni Aguinaldo sa mga dayuhan ay negotiable.
Maituturing mo ba ngayon na "necessary"
ang pagkamatay ni Andres Bonifacio sa kamay ng mga Aguinaldo et al?
Maituturing mo ba ngayon na "necessary"
ang pagkamatay ni Antonio Luna sa kamay ng mga Aguinaldo et al?

Pakibasa po ito para malaman po ninyo kung gaano
ka-astig at tigasin itong si General Antonio Luna
Better to fall than to accept foreign rule

Si Jose Rizal ay bayani.
Si Andres Bonifacio ay bayani.
Si Emilio Jacinto ay bayani.
Si Antonio Luna ay bayani.

Si Emilio Aguinaldo.... ay politiko.

Emilio Aguinaldo and Manuel Quezon

Tumakbong Presidente si Emilio Aguinaldo laban kay Manuel Quezon.
Ayaw ng mga Pinoy kay Emilio Aguinaldo, nanalo si Manual Quezon. (By Landslide)
Natalo si Emilio Aguinaldo.
Ayaw ng mga Pinoy kay Emilio Aguinaldo.
Natalo si Emilio Aguinaldo.

Kung ginanap siguro ang halalan between Emilio Aguinaldo at Manuel Quezon sa Tejeros Cavite,
baka nanalo nga at naging Commonwealth President si Emilio Aguinaldo.

Philippine Flag

1800 Ninety Six
by Francis Magalona

Sumaludo sa harap ng bandila
Kastila ka bang umaalipin sa alila?
Sinakop ng puti ang mga kayumanggi
Pinagnanakaw ang lahi at silay naghari...
Hanggang ngayon pa rin sila pa rin ang nakaupo
Ilang daang taon mula noon
Nakagapos ang ating mga kamay
Nakapiring ang mga mata
Dila'y pinuputol pag ika'y nagsasalita...
Tulad ni Rizal na panulat ang pinairal
Si Andres ay pinatay ng kanyang mga kakulay
Yo! hablo espanyol?
Si senior conio
Ako ay isang mestisong indio po!
You a friend of Uncle Sam?
Yo! my man I am
I don't speak tagalog, but I try to understand
Piripino ka ba?
Banzai!!!
Shinjimai!!!
Dorobo kedo moto oto kumai!!!

CHORUS:
Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha...

Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha...

Perlas ng silangan kung tawagin ang pinas
Sinilang sa silangan angkan ni malakas
Anak ni bathala at ako'y nababahala
Di ako naniniwala, na ako ay malaya...
Akala ko ba philippines 2000
Pero bakit ganoon, parang walang patutunguhan...
Kung buhay lamang ang ating mga bayani
Alam kong sila ang unang-unang
Magsasabi na kahit *kailanman*...
Bayan muna bago sarili...
Sa pagnanakaw ang nakaupo'y nawiwili...
Kapuna-puna ang mga anomalya
Ang kakapal nila mga walanghiya
Barong tagalog pa ang mga suot ng mga gago!
Pag nagtagalog, bako-bako, ang labo...
("ilan sa liderato dapat sa krus ipako")
Alam ba ninyo kung sino ang tinutukoy ko?

(CHORUS)

Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha...

Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha...

Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha...

Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha...

Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha...

12 comments:

amielito said...

interesting facts! History is my all time favorite subject.

Equalizer said...

Nice presentation, I agree with your presentation of the real Aguinaldo. I hope you'll also take a look at my work in progress:

http://philhistorypics.blogspot.com

alex said...

Thank you very much for very interesting and factual information you shared about our admirable history. Me too, because of your blog ngayon lang ako naging very passionate about the lives ng ating mga bayani.

chefzaldy said...

Si Andres Bonifacio ang karapatdapat na national hero at hindi si Jose Rizal! Si Bonifacio ang naghahangad ng tunay na kasirinlan ng Pilipinas, samantala si Rizal ay balak gawing probinsya ng Kastila ang Pilipinas, sa katunayan si Rizal ay papunta pa ng Cuba nung panahon na iyon para tumulong sa mga Kastila sa sumiklab na labanan ng Tado Unidos at Espanya.
Samantala, si Aguinaldo ay isang pulitiko talaga, ang usapan nong time ng pag lusob sa Maynila ay sabay-sabay silang sasalakay ng Maynila, subalit ang tropa niya ang hindi dumating, walang backup support ang tropa ni bonifacio para tuloy-tuloy ang pagkalupig ng mga kastila. Tama yung reasearch mo yung mga magdalo ay sa cavite lang at hindi kasama ang pitong ibang probinsya na puro magdiwang.
Kaya nga hindi siya nanalo sa eleksyon against Quezon dahil galit pa rin sa kanya ang karamihan sa mga Katagalugan.

Anonymous said...

Kagaya ko rin ako'y hanga sa ipinakitang pagmamahal sa bayan ni andres bonifacio. Para sa akin Andres Bonifacio dapat ang unang pangulo ng pilipinas hindi si Aguinaldo.
Kagaya ng mga pulitiko natin ngayon walang inasam si Aguinaldo kundi kapangyarihan gusto niya siya lang.

Anonymous said...

Aguinaldo will pay for his sins not only to GOD but to the people of this country...

Reynaldo said...

Tulad ni Bonifacio ay marami pa ring mga bayani Na nagbubuwis ng buhay , pagod at hirap para makalaya ang bayan sa kahirapan at kagutuman. Tulad din ni Aguinaldo ay marami pa ring naglipana sa ating lipunan. Kaya hindi kataka taka na patuloy ang pag-aalsa ng taong bayan . Habang may katulad ni Aguinaldo sa ating lipinan.

Anonymous said...

sir nakakatuwa po ang mga facts na nabasa ko .. ang galing nyo po . i love history.. talagang inis ako jan ke aguinaldo .. di sya dapat tawaging bayani eh ..kasi halos patay na yung mga ka batch nya na mga rebolusyonaryo pero ayun umabot pa sya ng 1960's po ba? .. dat si bonifacio o kaya si luna na ang ipalit sa limang piso eh .

bulbulito bayagyag said...

ang kasunduan sa biak na bato, ay ang pagbile ng mga amerikano sa pilipinas from the spaniards.. andun din si aguinaldo para palabasin na ibibigay satin ang kalayaan at sya ang gagawing presidente at payayamanin sya.para gawing base ng amerika ang pilipinas.. para hinde magkaroon ng rebulusyon at hinde magalit ang mga pilipino sa mga amerikano at wala ng gera.. kaya simula pa lang sa unang presidente natin meron ng corruption na ngyayari hangang ngayon

Bogs said...

Maraming salamat para dito. Well said and well presented. Great argument and very impressive. Tama ka na politiko si Aguinaldo at babagay pa rin sya sa ating panahon at sa pamamaraan ng politika sa atin.

Sa aking palagay, ay sa kabutihan palad, karamihan ng mga Pilipino ay hindi nakakalimutan kung ano ang ginawa at nangyari nuon kay Bonifacio at kung sino talaga ang namuno sa rebolusyon ng ating bayan. Yuong eleksyon ng 1935 ay siguro ay isang patunay dito. Isa pa pati ay sa aking tingin, malaki lamang si Aguinaldo sa kanyang probinsya ng Cavite. Wala akong alam na malaking monumento o dambana si Aguinaldo sa labas ng probinsya nya. Hindi kagaya ng mga monumento ni Rizal sa Luneta at ni Bonifacio sa Caloocan.

Kaya siguro ganito pa rin ang ating bayan ay dahil siguro ay hindi tayo natuto sa nakaraan.

Anonymous said...

wow this is really great! you have the same findings as with this site http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2011/05/10/6619505-the-tragedy-of-the-katipunan-the-supremos-assassination-cum-execution-bonifacio-series-iv

its more choronological but the same as yours

Anonymous said...

thanx..it's full of lesson, nagpapakita lang yan na mula pa sa pinakaunang presidente, kung maituturing man,may korupsiyon na sa Pilipinas....

Share it

Disclaimer: All blogposts made available in this website and any opinions, advice, statements or other information contained in any messages posted or transmitted by any third party are the responsibility of the author and not by any organization affiliated with the author. We encourage visitors of this website to report any objectionable message to josepherdon@yahoo.com. This website is not monitored 24/7

FREE Downloads


the Blog magazine- by Bro Eli Soriano

esoriano.wordpress.com

esoriano.wordpress.com

Congratulations to Ang Dating Daan Websites
for winning 2009 Philippine Web Awards

www.angdatingdaan.org

UNTV libreng sakay


FREE Bus ride + FREE Bible + FREE magazine +
FREE Breakfast + FREE Medical checkup, consultation +
FREE Legal advice + FREE Transient House + FREE MRT tickets for senior citizens